Maselan ang paksa ng aming blind item ngayon, kung kaya’t may ilang mahahalagang detalye ang sasadyain naming hindi ibigay sa aming mga mambabasa.
Tungkol ito sa isang babaeng personalidad na ngayo’y nakikipaglaban sa isang matinding sakit. Tanging ang kanyang mga malalapit na kaibigan sa showbiz (na mabibilang lang sa daliri) ang pinagsabihan niya ng kanyang pinagdaraanan.
Kung bakit mas gusto na lang ng personalidad na ito na huwag nang malaman ng publiko ang kanyang health problem, marahil ay nais din niyang protektahan ang kanyang business interest.
Hanggang dito na lang ang aming kuwento. For a change, hindi kami magbibigay ng nakasanayan na naming alyas sa aming mga ibina-blind item para mapangalagan na rin ang kanyang iginagalang na pangalan.
( Ronnie Carraso III )