TACLOBAN CITY – Idinulog na sa Ombudsman para sampahan ng kaso ang mga personalidad na nasa listahan ng mga nabigyan ng payola ng tinaguriang top drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.
Batay sa listahan ng PNP-Albuera, sa pamamagitan ng chief of police na si Chief Insp. Jovie Espenido, aabot sa 77 indibidwal ang nakatakdang sampahan ng kasong administratibo at kriminal.
Partikular na sasampahan ng kaso ang matataas na opisyal ng pulisya kabilang ang apat heneral, dalawang senior superintendent, limang superintendent, walong senior inspectors, tatlong chief inspectors at 15 PNCO.
Bukod sa mga nabanggit, mayroon din kawani ng gobyerno tulad ng isang senador, isang gobernador, isang vice governor, apat na alkalde, dalawang bise alkalde, dalawang barangay kapitan, anim Board Member, at isang PDEA director ang sasampahan ng nasabing kaso.
Posible aniyang pangalanan ang mga indibidwal sa pagbisita ni PNP Chief General Ronald Dela Rosa sa Tacloban ngayong araw, Setyembre 13.