ARESTADO sa buy bust operation ang hipag at pamangkin nina dating Agriculture Sec. Proceso at Quezon 2nd District Cong. Vicente “Kulit” Alcala.
Ayon kay Senior Supt. Antonio Yara ng Quezon Provincial Police Office, nakompiskahan ng 115 gramo ng shabu at drug paraphernalia ang mag-inang sina Maria Fe Alcala, 60-anyos, at Toni Anne Alcala, 40-anyos.
Si Maria Fe Alcala ay sinasabing asawa ni Athel Alcala na kapatid nina Sec. Proxy at Cong. Kulit Alcala.