Monday , December 23 2024

Sister ng aktres itinumba sa droga (Drug pusher ng celebrities?)

091216_front

PATAY ang kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez makaraang pagbabarilin nitong Linggo nang umaga dahil sa sinasabing pagtutulak ng ilegal na droga sa mga artista.

Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Maria Aurora Moynihan sa kanto ng Temple Drive at Giraffe St., sa Brgy. Ugong Norte, Quezon City.

Katabi niya ang isang karatulang nagsasabing, “Drug pusher ng mga celebrities, kasunod na kayo.”

Ayon sa ilang saksi, nakita nila ang isang sports utility vehicle na tumigil sa crime scene pasado 1:00 am.

Makaraan ang ilang minuto, narinig nila ang magkakasunod na putok ng baril at nakita ang pagharurot palayo ng sasakyang hindi nila naplakahan.

Nakuha ang ilang pakete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia sa gamit ng biktima.

Ayon kay Quezon City police chief, Guillermo Eleazar, suspek si Moynihan bilang supplier ng ecstasy at iba pang party drugs sa mga artista sa entertainment industry.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng mga suspek na pumatay kay Moynihan. (HNT)

2 SA DRUG WATCHLIST NG QCPD UTAS SA ‘GALUGAD’

DALAWANG lalaking hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang napatay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa ipinatupad na “Oplan Galugad” kahapon ng hapon sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, mula sa Masambong Police Station 2, kinilala ang isang napatay na si Virgilio de Chavez alyas Elyong, habang ang pangalawa ay patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakilanlan.

Napag-alaman, napatay ng mga pulis ang mga suspek nang lumaban sa ipinatupad na “Oplan Galugad” sa Ilagan St., Brgy Paltok, Quezon City dakong 2:30 pm kahapon.

Samantala, naaresto sa nasabing operasyon ang 12 katao na sinabing sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang dalawang menor de edad. ( ALMAR DANGUILAN )

2 PATAY, 4 ARESTADO SA DRUG OPS SA MAYNILA

PATAY ang dalawang lalaki makaraan barilin ng mga pulis nang lumaban sa magkasunod na buy-bust operations sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.

Kinilala ang mga napatay na sina Reynaldo Razon Jr., 39, jobless, residente ng 1447 Juan Luna St., Tondo, Maynila, at Eduardo Salanova, tinatayang 35-40 anyos, residente ng Gonzales St., Pandacan, Maynila.

Batay sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), unang napatay ng mga pulis si Razon dakong 10:25 pm sa buy-bust operations ng mga pulis sa kanyang bahay.

Habang naaresto sa operasyon ang iba ang mga suspek na sina Ma. Teresa Joy Ramirez, 19; Mark Dizon, 21; Marlon Gonzales, 42; at Romeo Malunes, 46, naaktohan habang nagsasagawa ng pot session.

Samantala, makalipas ang limang minuto ay napatay ng mga pulis sa isa pang buy-bust operation ang suspek na si Salanova, sa Interior 6, Gonzales St., sa Pandacan. (LEONARD BASILIO)

DRUG SUSPECT PATAY SA VIGILANTE GROUP

HINIHINALANG pinatay ng mga miyembro ng vigilante group ang isang lalaking sinasabing sangkot sa droga, sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Berdado Veliganio, 37, ng Block 2D, Lot 27, Phase 3, E1, Brgy. 14 ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Edgar Manapat, dakong 8:30 pm habang nakatambay ang biktima sa Paros Alley, Block 2 malapit sa Langaray Market, Brgy. 14 nang dumating ang mga suspek at siya ay pinagbabaril.

Natagpuan ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ang isang basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at isang plastic sachet ng shabu. ( ROMMEL SALES )

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *