Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pauline Cueto, nominado sa Star Awards for Music

ITINUTURING ni Pauline Cueto na isang malaking blessing ang natanggap niya mula sa Philippine Movie Press Club nang maging nominado siya sa Star Awards for Music sa kategoryang Best New Female Recording Artist of the Year.

Esplika ng 16 year old na recording artist, “I felt blessed and overwhelmed that I have been nominated as a new female recording artist. Hindi ko po ma-describe yung nararamdaman ko. At first po, di po siya talaga as in nag-sink-in sa akin kaagad when I saw the list. Pero it really is an opportunity to be one of the nominees of the 8th PMPC awards.”

Kung sa galing lang ay maraming kakabuging singers si Pauline. Ang kailangan lang niya ay magandang break upang mas makilala ng madla. Biritera kasi ang magandang dalagita at sa ngayon ay patuloy niyang hinahasa ang kanyang talent sa pagkanta, pati na rin sa pagsasayaw.

Bata pa lang ay nakitaan na ng talent sa pagkanta si Pauline, first love raw niya talaga ang musika. “Opo, love ko talaga ang singing and music and it has been my first love eversince. It really feels diferrent inside of me whenever I encounter music all throughout my life,” saad ng talented na singer.

Sa ngayon ay labas na ang album niya at ang maganda rito, sampung porsiyento ng kita nito ay napupunta sa kawanggawa.

“My album has 10 cuts. All composed, written and arranged by Sir Sunny Ilacad and distributed by MCA Music. All songs are very special to me because they all have a story in my life. In fact, the 10% proceeds of that album go to the less fortunate too.

“My album is entitled, Pauline Cueto and the carrier single is Dreamboy Ng Buhay Ko,” saad niya.

Ang kanyang mga magulang na sina Mr. Andy Cueto at Mrs. Mildred Cueto na very supportive sa kanyang mga pangarap, ay kabilang sa inspirasyon ni Pauline. Katunayan, ipinagpagawa siya ng sariling music studio ng kanyang daddy. Si Ms. Geleen Eugenio ang tumatayong manager ni Pauline.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …