Arestado ang isang lalaking nurse sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa F1 hotel sa Bonifacio Global City, Taguig.
Napag-alaman, hinihinalang supplier si Kenneth Santillan ng party drugs sa high-end bars sa Taguig at Makati.
Narekover kay Santillan ang mga ng ecstasy, marijuana at shabu. Patuloy pang inaalam ang halaga ng nakompiskang ilegal na droga.
18,273 DRUG PERSONALITIES SA PNP REG 2 SUMUKO
TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Abala ang liderato ng pambansang pulisya sa Region 2 sa pag-validate sa naging accomplishments ng pulisya sa ipinatutupad na Oplan Tokhang.
Napag-alaman, binisita ni Chief Supt. Gilbert Sosa, director ng PNP Region 2, ang iba’t ibang himpilan ng pulisya sa nasabing rehiyon para matiyak na maayos na naisasakatuparan ang kampanya kontra illegal na droga na siyang pokus ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mula nang ipatupad ang anti-illegal drugs campaign nitong Hulyo 1, umabot na sa 18, 273 drug personalities na kinabibilangan nang nagtutulak at gumagamit ng droga, ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad habang 331 sangkot sa illegal drug trade ang nahuli sa buong Cagayan Valley.
Pito ang naiulat na napatay nang lumban sa anti-illegal drugs operation habang 147, 033 kabahayan ang nabisita sa implementasyon ng Oplan Tokhang.
Ayon kay Sosa, may mga himpilan ng pulisya na mababa ang accomplishment sa implementasyon ng nasabing programa kung kaya’t ito ang tinututukan ng kanyang liderato.
Sa Quezon province
HIGH VALUE TARGET ARESTADO SA BUY-BUST
NAGA CITY – Arestado ang isang high value target na drug personality sa drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa.
Kinilala ang suspek na si Babylyn Abrenica alyas Babe, 35-anyos.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang ilegal na droga.
Nanatili sa Candelaria PNP si Abrenica habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanya.