INILINAW ng pamilya ni dating Sen. Miriam Defensor-Santiago, hindi dinala sa Intensive Care Unit ang dating mambabatas.
Ayon sa kanyang manugang na si Mechel Santiago, nasa isang private room ng St. Lukes Medical Center sa Taguig ang 71-anyos dating senador.
Kasalukuyan aniyang naka-confine ang senadora para ipagamot ang kanyang lung cancer, ngunit hindi isinugod sa ICU.
Gayonman, umapela si Mechel ng panalangin para sa dating senador. Hiniling din niya na bigyan muna sila ng privacy.
Magugunitang huling dinala sa ICU ng Makati Medical Center (MMC) ang senadora sa kasagsagan ng kampanya noong Mayo 31 dahil sa “complications” sa naturang sakit.
Na-diagnose ang mambabatas na may cancer noong 2014 ngunit kalaunan ay inianunsiyo niyang nalabanan na niya ang naturang sakit.