Friday , December 27 2024

Allen Dizon, Best Actor sa 13th Salento International Film Festival

HUMATAW na naman ang multi awarded actor na si Allen Dizon at mukling sumungkit ng Best Actor award katatapos na 13th Salento International Film Festival na ginanap sa Tricase, Italy. Ito ay para sa pelikulang Iadya Mo Kami ni Direk Mel Chionglo at mula sa BG Productions ni Ms. Baby Go.

Gumanap si Allen dito bilang isang pari na may naanakang girlfriend. Isa ito sa pinaka-challenging na role na nagampanan ng aktor. Reunion movie rin ito nina Allen, Direk Mel at Ricky Lee. Bukod kay Allen, tampok dito sina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Ricky Davao, Diana Zubiri, at iba pa.

Nalaman namin ang magandang balita sa FB post ng manager niyang si Dennis Evangelista: While we are rejoicing for the Best film win of Lav Diaz “Ang Babaing Humayo” in Venice Film Festival. Proud to announce also that Allen Dizon adjudged Best Actor for his performance as the wayward priest fighting for moral dilemma in Mel Chionglo’s Iadya Mo Kami at the recently concluded 13th Salento International Film Festival held in Tricase, Italy

Narito naman ang Instagram post ni Allen: Yahooooo…Another Best Actor award… thank u so much SALENTO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL…salamat direk Mel chionglo sa lahat ng cast, staff n crew..Sa BG production Mam Baby Go n poly, sir romy lindain sa manager ko dennis evangelista, sa aking pamilya, asawa at 4 na anak para s inyo to at sa buong PILIPINAS… maraming maraming salamat… team IADYA MO KAMI(deliver us) MABUHAY PO ANG PELIKULANG FILIPINO…

Bago ang naturang filmfest, nanalong Best Actor muna si Allen sa 4th Silk Road International Film Festival para sa pelikulang Iadya Mo Kami last March. Ito ay maituturing na isang record dahil back to back win ito para kay Allen na last year ay nanalo rin dito para naman sa pelikulang Magkakabaung ni Direk Jason Paul Laxamana.

Ito ang ika-limang international Best Actor award ni Allen at pang-21 na Best Actor award sa kabuuan.

Samantala, patuloy sa paggawa ng challenging na pelikula ang mulit-awarded actor na si Allen. After Iadya Mo Kami, susunod namang mapapanood si Allen sa pelikulang Areana tinatampukan din nina Ai Ai delas Alas, Sue Prado, Sancho delas Alas, at iba pa, mula sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Ang pelikula ay ukol sa isang lugar sa Angeles City na tinatawag na Area na may mga prostitute sa murang halaga. Gumaganap sina Allen at Ai-Ai rito bilang maintainer at bugaw ng mga kasa sa naturang lugar.

Incidentally, next month naman ay kalahok din ang Iadya Mo Kami sa Los Angeles Philippine International Film Festival (LAPIFF) na gaganapin sa October 7 to 9, 2016 sa Cinemark Theater, South Bay Pavillion Mall, Carson CA, USA.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *