UMAABOT sa 141 pulis ang posibleng masibak sa serbisyo makaraang magpositibo sa paggamit ng droga.
Sinabi ni Chief Supt. Leo Angelo Leuterio, hepe ng PNP-Internal Affairs Service (IAS), sinampahan na ng kaukulang kaso ang nasabing mga pulis.
“They are now charged with grave misconduct by violation of the anti-drugs law,” ayon kay Leuterio.
Idinagdag niyang, 57 sa nasabing mga pulis ang kasalukuyan nang isinasailalim sa summary dismissal proccedings.
Ayon kay Leuterio, 114 mula sa 141 drug-positive policemen ay may ranggong Police Officer 1.
Kabilang din sa drug-positive policemen ang tatlong junior officers na may ranggong Inspector, Senior Inspector at Chief Inspector, 18 ang may ranggong senior police officers at ang iba ay Police Officer 2 at Police Officer 3.