Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Bautista

Mark walang tampo sa GMA, posibleng magbalik-Kapamilya

TAPOS na pala ang kontrata ni Mark Bautista sa GMA 7 kaya hindi na siya napapanood sa anumang programa roon. Last April daw natapos ang contract niya0.

“I think, wala pa silang project na maibigay, so ayoko naman na parang maghihintay ka sa wala or something. And we’ll see kung ano ang mangyayari after. Aalis lang ako (ng bansa), pero makikipag-meeting ako sa Viva (his management) ngayong Friday, so maaayos namin kung ano ang plano pagbalik ko,” ani Mark nang makausap namin sa turn over ceremony ng MARE Foundation ni Dr. Loi Ejercito kay Jackie.

“Pero ngayon kasi, parang wala talagang project na ibinigay (ang GMA-7), puro guesting-guesting. Eh siyempre hanggang kailan ka naman magge-guesting-guesting ‘di ba?

“So, gusto mo ng may show or something. So, ayusin ko muna ang aking sarili.”

Nilinaw naman si Mark na wala siyang tampo sa GMA. “Hindi naman sa tampo, actually. Kasi naiintindihan mo rin sila kung saan sila nanggagaling. And businesswise, may mga sarili rin silang concerns o plano. Ayaw mo naman na parang. . .ayoko kasi na parang hahabulin, ‘yung parang tanong ka ng tanong (kung ano ang project), kasi kung mayroon naman, lalapitan ka naman nila, sasabihin naman sa ‘yo.

“Kung may ibibigay naman sila sa akin, mayroon ‘yun. So, ngayon, wala naman. Ibig sabihin, wala. So, ayoko rin namang mag-abang. Ayoko rin na walang gagawin. Kaya ako, as much as possible, gusto ko na may gagawin ako na kung may bakante man ako, gusto kong maging productive.

“Kaya noong natanggap ako sa New York Film, nag-audition muna ako, noong natanggap nila ang form application ko, nag-go na ako, sabi ko, may reason kung bakit nangyayari ito lahat,” sambit pa ni Mark.

Idinagdag pa ni Mark na sinabihan siya ng ABS-CBN na magpaganda ng katawan dahil may project na ibibigay sa kanya pero aniya, hangga’t hindi pa talaga sure ay ayaw niya munang asahan.

For the meantime, mag-aaral muna siya ng filmmaking for one month at aalis si Mark sa October 1. Bukod sap ag-aaral may show din siya abroad at nag-audition din sa mga West End plays.

“Hopefully, maging maayos lahat and alam ko naman na hindi ako pinababayaan ni Lord, and parang lahat nakaplano. So kung anuman ang nangyayari, like ngayon, wala akong shows for three months na, parang natataranta ako, ipinapaubaya ko na lang sa Kanya,” giit pa ni Mark.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …