ISINALANG na sa inquest proceedings ng Department of Justice (DoJ) si Talitay, Maguindanao Vice Mayor Abdulwahab Sabal, itinuturong isa sa mga nasa likod ng Davao bombing.
Ngunit batay sa pahayag ng mga awtoridad, na-inquest si Sabal para sa usapin ng illegal drug trade.
Pinangunahan nina Assistant StateProsecutor Gino Santiago at Senior Assistant StateProsecutor Clarissa Koung ang pagtatanong sa bise alkalde.
Una rito, nadakip si Sabal sa Awang Airport sa Datu Odin Sinsuat nitong Huwebes.
Sa ngayon, nasa kostudiya siya ng Philippine National Police (PNP) Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) sa Camp Crame.
Sa pahayag ng kampo ng vice mayor, iginiit nilang walang kinalaman ang suspek sa Davao bombing.
Habang ang pag-uugnay sa kanya sa isyu ng droga ay hindi na angkop dahil napakatagal nang tumigil ng bise alkalde sa drug trade, bago pa siya pumasok sa politika.