Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Simon Cowell, excited sa pagsisimula ng Pinoy Boyband sa ‘Pinas

MAGSISIMULA na ang paghahanap at pagbuo ng isang tunay na Pinoy boyband na bibihag sa puso ng sambayanan sa pinakabagong talent-reality search ng ABS-CBN, ang Pinoy Boyband Superstar simula bukas, September 10, 7:15 p.m. at tuwing Linggo, 7:00 p.m..

Maging ang creator nitong si Simon Cowell ay excited na rin sa Philippine adaptation ng programang nilikha niya kasama si Ricky Martin, ang La Banda.

Si Simon ang nasa likod ng tagumpay ng One Direction at Westlife, kaya naman siya ang masasabing ‘authority’ pagdating sa pagbuo at pagsikat ng mga boyband.

“I’m so excited ‘La Banda’ is coming to the Philippines. You are going to love ‘Pinoy Boyband Superstar.’ Watch it exclusively on ABS-CBN,” sambit ni Simon bilang pag-iimbita sa Pinoy viewers na abangan at tutukan ito.

Sa Pinoy Boyband Superstar, bibigyang pagkakataon ang mga binatang 14 taong gulang at pataas na may charm at talento sa pagkanta na matupad ang kani-kanilang mga pangarap at mapabilang sa isang five-member boyband.

Mangunguna sa pagbuo at paghatol sa aspiring “ultimate Pinoy boyband” members ang superstar judges na binubuo ng phenomenal box-office superstar na si Vice Ganda, international K-pop sensation Sandara Park, pop-rock superstar Yeng Constantino, at ang original heartthrob Aga Muhlach.

Magsisimula ang boyband journey ng contestants sa kanilang pagharap sa 500 na babaeng fans na kailangang pabilibin at pakiligin sa pamamagitan lamang ng kanilang angking looks, charisma, personality, at iba-iba pang gimik.

Para makapag-audition sa harap ng judges, kailangang makakuha ng 75% o mas mataas pa na mga boto mula sa all-female audience ang isang contestant. Kapag nabigo naman siya, maaari siyang makakuha ng second chance na makapasok mula sa superstar judges kung siya ay nakikitaan ng potensiyal.

Sa pagharap naman ng aspiring heartthrobs sa judges, kailangan nilang magpakitang gilas at galing sa pagkanta. Rito, kailangan nilang makakuha ng tatlo o apat na boto mula sa superstar judges para makalusot sa susunod na round ng kompetisyon.

Pakinggan ang pagsasama-sama ng himig ng aspiring boyband members sa bansa para sa pagtupad ng kanilang mga pangarap sa Pinoy Boyband Superstar, simula ngayong Sabado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …