TUGUEGARAO CITY – Umaabot na sa mahigit P5 bilyon ang halaga ng marijuana na sinira ng mga awtoridad sa bayan ng Tinglayan, Kalinga, sa nagpapatuloy na marijuana eradication.
Ayon kay Senior Inspector Nestor Lopez, hepe ng Tinglayan-Philippine National Police (PNP), mahigit sa 24 milyon fully grown marijuana ang kanilang binunot at sinunog. Ito ay mula sa mahigit 81 ektaryang lupain
Ayon sa PNP, inaasahan na matatapos nila ang marijuana eradication sa susunod na buwan na sinimulan noong Hulyo ngayong taon
Idinagdag ni Lopez, 26 marijuana cultivators ang kanilang natukoy sa lugar.
Ayon sa kanya, inaasahan susuko ang mga suspek sa
pulisya dahil may pangakong tulong sa kanila ang Department of Environment and Natural Resources, Department of Agrarian Reform at Department of Science and Technology para magkaroon sila ng ibang pangkabuhayan at maiwasan ang pagtatanim ng marijuana.