Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ipe at Jerome, may regalo para sa Grandparent’s Day

LOLO Ipe! Handog para sa mga lolo at lola ang hatid ng MMK (Maalaala Mo Kaya)sa Sabado, Setyembre 10, sa milyong tagasubaybay nito sa Kapamilya.

At itatampok dito ang premyadong aktor na si Phillip Salvador with Jerome Ponce.

Bilang sina Gilbert at Lolo Ilong, nagbuo sila ng mundo nang iwan si Gilbert ng kanyang ina.

Siga sa lugar nila si Lolo Ilong at takot ang bata at matanda sa kanya. Pero dumating ang panahong ang matikas na katawan ay bumigay na kaya naman hindi matustusan ang pag-aaral ng apo.

Rito naman niya napapansin na nagiging kakaiba ang kilos ni Gilbert na lubhang nagiging malambot na.

Saksihan mula sa siniyasat na istorya nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos kung paanong pumasa sa Board Exam as COA si Gilbert. At kasama sa cast na idinirihe ni Elfren Vibar sina JB Agustin, Ella Cruz, Manuel Chua, Eric Nicolas, EJ Jallorina, Josh de Guzman, Lui Manansala, Nico Antonio, Jirianne Montilla, at Dang Cruz.

Panoorin ang regalo ng MMK para sa Grandparents’ Day!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …