Monday , December 23 2024

Dapat tratuhin ng US na magkapantay sina Obama at Duterte — PDP Laban policy chief

HINDI personal na inatake ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidente Barack Obama kundi reaksiyon lamang ang pagmumura niya sa layuning makialam ng United States sa giyera kontra ilegal na droga na iniugnay sa situwasyon sa karapatang pantao ng Filipinas.

Ayon kay PDP Laban Policy Studies Group head at Membership Committee National Capitol Region chairman Jose Antonio Goitia, ikinasuya ni Duterte ang labis na pakikialam ng US na waring pinalalabas na sunud-sunuran ang ating Pangulo sa bawat naisin ng mga Amerikano.

“Sa karaniwang bulalas ng galit, tinukoy ni Duterte ang mahabang kasaysayan ng agresyon ng US  sa ating lupain, partikular ang Bud Dajo massacre noong 1906  na 600 Moro ang minasaker ng mga sundalong  Amerikano,” diin ni Goitia. “Hindi nagawa ng ibang pangulo ng Filipinas ang ginawa ni Duterte —na ipakita ang mahabang kasaysayan ng kolonyal na relasyon ng US at Filipinas at iproklama ang ating soberaniya bilang independiyenteng bansa.”

Bago ang nakanselang pulong nina Obama at Duterte, pinaalalahanan ng US Embassy sa Maynila ang gobyerno natin sa pagkabahala sa mga ulat ng extrajudicial killings sa mga inidibidwal na sangkot sa droga at nanawagan sa pamahalaan na tiyakin ang pagkilos ng pulisya ay naaayon sa ating obligasyon sa karapatang pantao.

Ayon kay Goitia, pangulo rin ng  PDP Laban San Juan City Council, ipokrito ang mga gayong pahayag lalo’t  tumataas ang insidente ng police brutality laban sa mga taong may kulay sa US.

“Nitong Agosto, binuweltahan ni Duterte ang US Embassy nang ipamukha niya ang pagpatay sa Africans, Americans. Sa nagdaang mga taon, matagal nang inirereklamo ng Black Lives Matter Movement ang brutal na pagtrato ng federal at state police sa Africans Americans,” giit ni Goitia.

“Noong 2015 lamang, 258 itim, karaniwang kabataan, ang pinatay ng pulisya. Walang moral ascendancy ang US sa isyu ng human rights lalo sa rekord nitong suportahan ang mga diktaduryang rehimen at ang napakaraming kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao sa Middle East at iba panig ng daigdig.”

Idiniin ni Goitia na namimili ang US  sa pagkondena sa mga kaso ng paglabag sa human rights, depende sa lakas at saklaw ng relasyon nito sa isang bansa ngunit kung ibabase sa kasaysayan ay ginagamit nito ang human rights issue para maging makatarungan ang pakikialam sa usapin ng ibang mga bansa.

“Bagamat ikinalungkot ni Duterte ang nalikhang isyu, umaasa siyang matutuloy ang bilateral talks nila ni Obama sa hinaharap,” dagdag ni Goitia. “At kung magaganap ito, umaasa siyang ituturing bilang pinuno ng isang malayang bansa, o kapantay ni Obama. Dapat tingnan muna ng Amerika ang sarili nito bago sila mag-apela o humatol.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *