INIUTOS ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang pinaigting at pinalakas na checkpoint ope-rations kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang direktiba ni Dela Rosa ay kasunod nang isinagawang surprise inspection kamakalawa ng gabi sa Calapan, Oriental Mindoro.
Ikinatuwa ng PNP chief ang ipinatutupad na checkpoint operation sa lugar ng mga pulis kasama ang ilang mga sundalo.
Aniya, importante ang mahigpit na koordinasyon ng pulisya at militar lalo na nga-yon na nagdeklara si Pa-ngulong Rodrigo Duterte ng “state of lawlessness.”
Ang paghigpit ng se-guridad ay bunsod sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng “state of national emergency on account of lawless violence” kasunod nang pambobomba sa Davao.
Dahil dito, nais ni Dela Rosa na lalo pang palakasin ang checkpoint operation sa buong bansa.