Saturday , November 23 2024

Jackie, nasa mahihirap ang puso

090916-loi-jackie-ejercito-mare
SI Dr. Loi Ejercito kasama ang anak na si Jackie Ejercito gayundin ang daughter-in-law na si Precy Vitug Ejercito at ang mga bagong officers/board members of MARE Foundation.

MAY puso. Ito ang nakita at naramdaman namin kay Jackie Ejercito sa turn-over ceremony ng MARE Foundation na ginanap noong Miyerkoles ng umaga sa San Andres Sports Complex.

Bale isinalin ni Dr. Loi Estrada, dating chairperson ng MARE Foundation sa kanyang anak na si Jackie ang pamamahala ng foundation.

Maluha-luha si Jackie sa sorpresang ipinakita sa kanya ng MARE Foundation sa pamamagitan AVP na nagbibigay tulong at nakikihalubilo siya sa mga kapuspalad sa Kamaynilaan.

Ani Jackie sa kanyang speech, nag-alangan siya noong una nang sabihin sa kanya ng kanyang ina na isasalin sa kanya ang pamamahala ng foundation.

“I won’t think I will be able to do half of what my mom did for MARE Foundation.

“Pero naalala ko, ang laging sinasabi ng aking ama (Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, “mamamatay, mabubuhay si Erap, hindi makakabayad ng utang na loob sa masang Filipino.

“Kaya’t tinanggap ko ang tungkulin bilang Chairman ng MARE Foundation. Para ipagpatuloy ang kanilang nasimulan,” bahagi ng speech ni Jackie. Ang MARE Foundation ay itinatag ni Erap noong 1996 noong siya ay Vice President pa ng bansa sa pamamahala ng kanyang maybahay na si dating Senador Loi.

Aktibo ang MARE Foundation sa paglibot sa buong Pilipinas para maiparating ang mga serbisyo medical sa pinakamahihirap na lalawigan lalo na sa mga maysakit na hindi kayang magbayad ng laboratory requirements, medical procedures o ‘yung mga naninirahan sa mga lugar na malayo sa mga pagamutan. Bukod sa medical assistance, tumutulong din ang MARE sa livelihood projects, scholarship para sa mga kabataan, artesian well distribution, at urban greening program.

Kasabay ng pagsasalin ng pamamahala sa pangalawang anak nina Dr. Loi at Erap ang panunumpa ng mga bagong talagang Board of Trustees. Kabilang sa mga nanumpa sa kanilang bagong tungkulin  ang maybahay ni Sen. Jinggoy Estrada na si Precy V. Ejercito na siyang Vice Chairperson; Corina Ponce Enrile Yenko, Treasurer; at Maria Cristina Tantoco Morada, Corporate Secretary. Kasama rin sina Fr. Edward M. Lavin, Ma. Rowena O. Ejercito, Gabriel Ma. J. Lopez, Precy V. Mathay, Willin C. Chan, Evelyn R. Carbaollo, at Benita Tayag.

Hindi na nagpaunlak ng one on one interview si Jackie dahil sa bukod sa hindi pa tapos ang event ay hindi naman ito sanay humarap sa press at talagang ang tanging kagustuhan lamang ay ang makatulong. Pero ramdam namin na posibleng i-groom siya ng kanyang mga magulang bilang politiko na hindi naman malayong mangyari lalo’t ramdam namin ang taos-pusong pagtulong niya sa kanyang mga kababayan.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *