DAVAO CITY – Posibleng mga estudyante ng international terrorist at beteranong bombmaker na si Zulkifli Binhir alyas Marwan ang nagtanim ng improvised explosive device (IED) na ikinamatay ng 14 katao sa night market nitong lungsod.
Ayon kay Police Regional Office II Director, Chief Supt. Manuel Gaerlan, marami nang naturuan si Marwan at posibleng sila ang gumawa sa nangyaring pagpapasabog.
Tinitingnan din ng Special Investigation Task Force – Night Market ang estilo ng Davao blast sa mga koneksiyon ni Marwan sa Central Mindanao.
Napabalitang nasa Central Mindanao si Marwan bago siya napatay ng Philippine National Police-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao, noong Enero 2015.
Dagdag ni Gaerlan, motibo talaga ng mga suspek ang patayin ang maraming tao sa naturang exploision site.