APRUBADO ang House Committee on Government Enterprises ang panukalang dagdagan ang pensiyon na matatanggap ng SSS pensioners.
Aabot sa 15 panukala ang nakasalang sa nasabing komite na ipinadaan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa omnibus approval.
Karamihan sa naihaing mga panukala ay nag-uutos na dagdagan ng P2,000 ang SSS pension.
Ngunit nababahala si SSS VP Gregory Ongkeko sa magiging epekto ng dagdag penssion sa actuarial life ng ahensiya sa matagalang panahon.
Ayon kay Ongkeko, iikli mula 2042 tungo sa 2025 ang actuarial life ng SSS kung walang magaganap na dagdag sa kontribusyon ng kanilang mga miyembro.