Monday , December 23 2024

Nuclear power plant kailangan para sa mas mabilis na pag-unlad

HALOS kalahating siglo na mula nang ipinasara ang Bataan Nuclear Po-wer Plant (BNPP).

Marami ang naniniwala noon na malaking pinsala ito sa kalusugan ng tao at maaaring kumitil ng maraming bahay kapag nagkaaberya gaya nang nangyari sa Chernobyl noong Abril 26, 1986 — 90 buhay ang nagbuwis noon.

Ang Chernobyl Nuclear Power Plant ay matatagpuan sa lungsod ng Pripyat sa Ukranian SSR, Soviet Union.

At iyon ay naging bangungot sa buong mundo kaya marami ang natakot sa BNPP hanggang tuluyang isantabi ang proyektong ito na binansagang “white elephant.”

Ngayon sa administrayon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, muling binubuhay ito sa ilalim ng Department of Energy (DOE) na nga-yon ay pinamumunuan ni Secretary Alfonso Cusi, ang dating general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Si Pangasinan Representative Mark Cojuangco, ang nagpanukala ng House Bill 4631 na naglalayong buhayin ang BNPP.

Maraming sektor na rin ang umaayon na dapat na ngang buhayin ang BNPP, lalo’t elektrisidad ang isa sa pinakamalaking gastos ngayon sa loob ng isang kabahayan.

Ayon kay Engineer Mauro Marcelo Jr., isa sa mga orihinal na inhini-yero ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) mula pa noong 1977, ang nuclear energy ang nag-iisang paraan upang bumaba ang singil ng elektrisidad sa bansa.

Sinabi rin niya, “Nuclear energy is the safest in the industry.”

Taliwas ito sa paniniwala ng ilang renewable energy advocates.

Para sa mga nuclear energy advocates, higit na magastos pero kakarampot ang kayang likhain ng mga renewable energy.

Habang libo-libong tao ang namamatay dahil sa coal energy.

Ang BNPP ay paaandarin ng uranium. Ayon kay Marcelo, ang isang “load” o 20 tonelada ng uranium ay maaaring magbigay ng elektrisidad sa buong bansa sa loob ng 18 buwan sapagkat isang gramo pa lang nito ay punong-puno na ng enerhiya.

Hindi rin kukulangin sa 4.5 bilyong tonelada ng “extractable” uranium ang makukuha sa mga karagatan sa bansa.

Mayroon pa itong alternatibong thorium na apat na beses ang lakas sa uranium.

Bukod  riyan,  nababawasan ang carbon di-oxide emissions sa nuclear energy.

Kung ikokompara sa enerhiyang ginagamit natin ngayon, mas maraming bentaha ang nuclear power.

Pansinin na lang n’yo ang mga ilaw sa kalsada, ‘di ba madilaw kasi nga kulang ang koryente ng elektrisidad.

Mataas na rin ang antas ng teknolohiya nga-yon kaya mas maraming paraan na rin kung paano matitiyak ang kaligtasan ng kapaligiran at ng mamamayan.

Kung bubuhayin natin ang BNPP, naririyan na ‘yan.

Sabi nga ni Secretary Al Cusi, kahit siya ay napanganga nang makita ang loob ng BNPP. Hindi niya akalain na ganoon ang itsura, maayos at tila hindi naluma ang BNPP.

Ang dapat na lang ipaliwanag nina Secretary Cusi ‘e kung bayad na ba ang proyektong ito?

Nasa kamay na ngayon ng mga mambabatas ang pagpapasya kung pagagaanin nila ang buhay ng mamamayan sa pamamagitan ng kaunlarang idudulot ng mas malakas na enerhiya mula sa nuclear power plant.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *