VIENTIANE, Laos – Panibagong commitment na tulong sa Filipinas ang ipinaabot ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang dito ang dalawang frigates o barkong kagaya ng BRP Gregorio del Pilar.
Ito ay bukod pa sa naunang 10 coast guard patrol ships na ipinangako ng Japan para sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Una rito, sa kanilang bilateral meeting, personal na ipinaabot ni Japanese Prime Minister Abe kay Pangulong Duterte ang pakikiramay at pakikisimpatya sa mga naulila sa pagpapasabog kamakailan sa Davao City night market.
Ayon kay Abe, kaisa ng Japanese community ang mga nasaktan sa nasabing trahedya.
Kasabay nito, inamin ni Abe na maging sa Japan ay kilalang-kilala rin si Pangulong Duterte at maging siya ay “excited” makita siya nang personal.