Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baron, sinukuan na ng pamilya

VIRAL na  ngayon ang ipinost na video ni Baron Geisler na nasa harap ng manibela ng kanyang sasakyan as he challenged Baste, anak ni Pangulong Digong Duterte, na sabay silang sumailalim sa drug test.

Sa naturang video, halatang malaki ang itinanda ng hitsura ng aktor. Nagri-recede na rin ang kanyang buhok o napapanot.

Also from the looks of it, mukhang nakainom din si Baron, isang kondisyon na walang iniwan sa mga nabidyuhan din niyang engkuwentro in the past na nagwawala in public.

Nauna rito, hinamon na niya ng fist fight si Digong at mukhang nang hindi pinatulan ay ang anak naman nito ang pinagdiskitahan.

Para sa mga nakapanood ng kanyang hamon kay Baste, iisa lang ang komento ng mga ito.

Una, nanghihinayang ang mga netizen kung saan na ba napunta ang husay pa naman ni Baron bilang aktor at mukhang sa mga walang kapararakang bagay niya iginugugol ang kanyang oras.

Pangalawa, in bad taste na raw ang kanyang inaasal, maliwanag na kawalan na raw ‘yon ng respeto sa pinakamataas na pinuno ng bansa at sa pamilya nito.

Hindi na namin pagtatakhan ang impormasyong aming nakalap tungkol sa pamilya ni Baron. Suko na raw ang mga ito sa mga pinaggagagawa ng aktor.

Wala rin daw bang mga matitinong kaibigan si Baron para pagsabihan man lang siya tungkol sa kanyang pagmamalabis?

All told, masuwerte pa rin daw si Baron dahil nasa ilalim na tayo ng demokrasya. Paano raw kung nabuhay siya noong panahong sinisikil ang right to expression ng mga mamamayang Filipino?

Saan kaya dadamputin si Baron? O matagpuan pa kaya siya in one piece?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …