ISANG dating katrabaho sa GMA ang nagkuwento sa amin tungkol sa may 50 aprubado nang bagong show ng network.
Yes, we heard it loud and clear. About 50 new shows ang nakabanko ngayon sa departamento ng ETV ng estasyon upang lalong palakasin ang programming nito.
Of late, umere na ang ilan sa mga bagong show ng Kapuso Network pero isa roon whose airing falls on a Sunday ay prodyus ng APT Entertainment.
Going back sa mga nakatenggang programa na naghihintay ‘ika nga ng light of day ay kapana-panabik sanang antabayanan.
But the problem—tsika sa amin ng dating co-worker—tila ayaw yatang gastusan ang mga programang ito.
Sayang.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III