INIANUNSIYO ng White House kahapon ang pagkansela nang nakatakdang pulong ni US President Barack Obama kay Pangulong Rodrigo Durtete kasabay ng ASEAN Summit sa bansang Laos.
Ang hakbang ni Obama ay makaraan makarating sa kanya ang matinding pagtuligsa ni Duterte bago umalis ng Davao International airport kamakalawa ng hapon.
Kinompirma ni US National Security Council spokesman Ned Price, wala nang meeting na magaganap sa dalawang li-der.
Haharapin ni Obama si South Korean President Park Geun-hye.
“President Obama will not be holding a bilateral meeting with President Duterte of the Philippines,” bahagi nang anunsiyo ni Price.
Si Obama ay galing sa China makaraan dumalo sa G20 Summit.
Una rito, napikon si Pangulong Duterte nang maglabas ng pahayag ang ilang White House officials at US State Department na posibleng ungkatin ni Obama kay Duterte ang isyu sa extra-judicial killings.
Anti-US statement
SAGOT SA REPORTER
‘DI PERSONAL ATTACK
KAY OBAMA
HINDI personal attack kay US President Baral Obama ang maaanghang na salitang binitiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Amerika na nagresulta sa kanselas-yon ng bilateral meeting ng dalawang pangulo.
Sa kalatas na binasa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa media bago magsimula ang ASEAN Leaders’ Summit sa Vientiane, Laos, sinabi niyang walang interes si Pangulong Duterte na personal na atakehin si Obama bagkus ang pahayag ay sagot sa tanong ng mamamahayag.
“While the immediate cause was my strong comments to certain press questions that elicited concern and distress, we also regret it came across as a personal attack on the US President,” ayon sa opisyal na pahayag ni Duterte na binasa ni Abella.
Giit niya, ang pagkansela ng meeting at pagtatakda muli nang angkop na petsa ay na-pagkasunduan ng US at Filipinas.
“The meeting between the United States and the Philippines has been mutually agreed upon to be moved to a later date,” dagdag niya.
Ang pangunahing intensiyon aniya ay magbalangkas ng “independent foreign policy” na magsusulong nang mas mahigpit na pagkakaisa ng lahat ng bansa, lalo na ng US na may matagal at matatag na relasyon ang Filipinas.
“Our primary intention is to chart and independent foreign policy while promoting closer ties with all nations, especially the US with which we have had a long standing partnership,” sabi ni Duterte.
Umaasa aniya ang Filipinas na mapaplantsa ang ano mang gusot na nilikha nang pagsasaalang-alang ng pambansang prayoriyad at paniniwala, at magiging katuwang pa rin ang US sa responsableng pama-maraan.
“We look forward to ironing out differences arising out of national priorities and perceptions, and working in mutually responsible ways for both countries,” dagdag niya.
Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, patuloy na pinahahalagahan ni Duterte ang alyansa sa Amerika dahil pareho ang layunin ng dalawang bansa na isinusulong ang giyera kontra droga, terorismo, krimen at kahirapan.
Pinasalamatan aniya ng Pangulo si Obama para sa matatag na suporta ng US sa Filipinas sa ginanap na G20 Summit at binigyang-diin ng US President ang kahalagahan na sundin ng China ang mga obligas-yon alinsunod sa International Law at hindi mata-tawarang komitment ng US sa seguridad ng mga kaalyado.
“He also thank President Obama for the Uni-ted States’ firm support for the Philippines during the G20, where President Obama emphasized the importance for China to abide by it’s obligations under International Law, and underscore the Uni-ted States’ unwavering commitment to the security of its treaty allies,” ani Andanar.
Paliwanag ni Duterte, ang ulat ng media na sesermonan siya ni Obama hinggil sa extrajudicial killings ang ugat nang matinding pagbatikos na lumikha ng kontrobersiya.
“President Duterte explained that the press reports that President Obama would lecture him on extrajudicial killings led to his strong comments which in turn eli-cited concern. He regrets that his remarks to the press have caused much controversy,” sabi ni Andanar.
Binigyan-diin ni Duterte, upang mapangalagaan ang mga karapatan at kalayaan ng mga mamamayan ay kaila-ngan magtagumpay ang kampanya kontra illegal drugs, terorismo, krimen at kahirapan kaakibat ang demokratikong pamumuhay.
Bago nagtungo sa Laos, umusok ang ilong sa galit ni Duterte nang usisain ng isang foreign correspondent kung paano niya ipaliliwanag ang EJKs sa world leaders sa ASEAN Summit, gaya ni Obama.
Iginiit ni Duterte, hindi siya tuta ng Amerika at sinabing wala siyang pakialam kay Obama at hindi niya obligasyon na magpaliwanag kaugnay sa isyu ng extrajudicial killings sa Filipinas.
Ipinunto ni Duterte, mas maraming dapat ipaliwanag ang US sa usapin ng human rights lalo na noong Philippine-American War na 600,000 Moro ang pinaslang ng tropang Amerikano.
Kung masasagot aniya ni Obama ang tanong hinggil sa ipina-iral na genocide ng US sa Filipinas at hinihingi ng paumanhin ay saka lang niya sasagutin ang pag-usisa sa isyu ng EJKs sa kanyang administrasyon.
( ROSE NOVENARIO )
DUTERTE BIBISITA SA JAPAN
TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paanyaya ni Prime Minister Shinzo Abe na bumisita siya sa Japan, sa kanilang bila-teral meeting sa sideline ng 28th ASEAN Summit sa Vientiane, Laos kahapon.
Binigyan-diin ni Duterte, ang Japan ay “old friend and pre-eminent partner” ng Filipinas.
“Japan is an old friend and a pre-eminent partner of the Philippines. The two countries are strategic partners who share common values of mutual respect, cooperation and adherence to the rule of law,” aniya.
Tuwang-tuwa si Abe nang makaharap si Duterte at sinabi na hanggang sa Japan ay sikat na sikat ang Pangulo.
“Mr. President is quite a famous figure also in Japan and I’m very exci-ted to see you in person,” ani Abe.
Kinondena ni Abe ang pambobomba sa Davao City at nakiramay sa mga biktima at naulila nang pag-atake ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).
( ROSE NOVENARIO )