Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo Ballesteros, bumulaga na ulit sa Eat Bulaga!

KOMPLETO na ulit ang Eat Bulaga Sugod-Bahay Dabarkads sa pagbabalik ni Paolo Ballesteros sa grupo. Last Monday ay bumulaga na ulit si Paolo sa EB segment na Juan For All, All For Juan sa Pasig City kasama sina Maine Mendoza, Jose Manalo, at Wally Bayola.

Sa pagbabalik ni Pao, nakatikim agad siya ng joke mula kay Joey de Leon nang sabihin nitong: “May event tayo sa Subic.” Sundot naman ni Jose, “So kung mapapansin ninyo na kompleto na po kami, abangan natin next week kung sino ang mawawala.”

Matatandaang noong March ay kumalat ang balitang suspendido ng six months si Paolo matapos niyang i-post sa Facebook ang pagka-bad trip sa ilang staff members sa Ad Summit sa Subic, Zambales na sponsor ng TAPE Productions na dapat ay isa si Paolo sa host. Dahil dito, balitang hindi na sinipot ni Paolo ang naturang event at nag-inom na lang ito sa kanyang hotel room.

Lahat ng JoWaPao members ay nakaranas ng sariling ‘krisis’ na nagresulta ng pagkasuspinde o panandaliang pagkawala sa EB. Una ay si Jose na na-suspend noong 2009 nang ang kanyang misis ay sumabit sa eskandalo ukol sa alahas. Samantalang si Wally naman ay nag-leave noong 2013 dahil sa isyu ng video sex scandal.

Hindi man nakompirma ang naturang suspensiyon kay Paolo, sa isang panayam ng PEP.ph sa kanya last July, inamin ng actor/TV host na siya ay nakabakasyon na mayroong time limit. “Bakasyon, bakasyon na may time limit. Ang sabi kasi sa akin, six months. Nakaka-four months na ako, so parang sa September ang six months ko.”

Nang usisain pa kung ano ang natutunan sa kanyang ‘supensiyon’, ang sagot niya’y, “Bawal ang maldita.”

Sa ngayon, bukod sa EB, dalawang pelikula ang pinagkaka-abalahan ni Paolo, Ang Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend at ang Die Beautiful na kapwa mula sa pamamahala ni Direk Jun Lana.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …