ISANG malaking banta nga ba sa pool ng mga comedy writer ang pag-entra ng APT Entertainment sa bakuran ng GMA?
Mula sa isang dating katrabaho, ito ang pangamba ngayon ng mga writer-talent ng GMA, kabilang na ang mga nagsusulat sa mga programa tulad ng Bubble Gang, Pepito Manaloto, at Ismol Family.
Ang APT na pag-aari ni Mr. Tony Tuviera ay may sariling team ng mga manunulat dahil isa itong independent entity.
Nagsimula nang umere nitong Linggo ang isang APT-produced sitcom. Dahil dito, nagpa-panic umano ang mga matatagal nang comedy writer ng GMA for fear of losing the programs they are connected with, entonces maging ang kanilang mga trabaho.
Nireresolba raw sa ngayon ng ETV ng GMA ang problemang ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng comedy writers’ workshop partikular na sa Bubble Gang which welcomes promising writers.
Pero ano itong narinig namin tungkol sa pamunuan ng Bubble Gang na umano, hindi lahat ng kanilang mga workshopper ay ina-absorb nila sa show kahit ginagamit ang kanilang mga inaprubahang script sa actual taping?
Totoo nga bang may isang workshopper sa Bubble Gang whose three scripts were used and aired pero walang naging ganansiya ang nagpakahirap magsulat ng mga materyal na ‘yon?
Paki-explain, Bitoy!
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III