Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Best actress trophy sa Kazakhstan Int’l. Filmfest, maiuwi kaya ni Ai Ai?

MAAARING hindi na bago ang mga madamdaming eksena sa putikan, pero kung si direk Louie Ignacio ang tatanungin ay ito ang aabangan sa kanyang latest movie na Area.

Ang Area ay pinagbibidahan ni Ai Ai de las Alas na gumaganap na isang aging sex worker, na itinuturing niyang dream role.

Ayon kay direk Louie, wala raw kaarte-arte ang Comedy Concert Queen sa eksenang kinailangan niyang sumubsob sa putikan.

And good news, ang Area ay kakatawan sa bansa sa Kazahkstan International Film Festival.

Matatandaan that direk Louie scored victory noong manalong Best Actress si Aiko Melendez sa Manhattan International Film Festival last year para sa pelikula niyang Asintado. Literal ngang naasinta ng mga taong bumubuo ng pelikula ang much-coveted acting award para kay Aiko from the movie na nagtanghal din kay direk Louie bilang Best Director sa Cinemalaya noon ding isang taon.

Following the pattern, asyumera kaya kaming matatawag kung sasabihin naming tiyak na rin ang pagiging Best Actress ni Ai Ai sa festival sa naturang transcontinental country?

By the way, maitanong lang: hindi ba’t ang salitang “area” ay kadalasang ginagamit sa mga gay bar na ang mga nagtatanghal na macho dancer ay nanghahalina sa kanilang mga gay at female patrons sa kanilang kinauupuan?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …