ZAMBOANGA CITY – Umabot sa 16 empleyado ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City, ang naging positibo sa drug testing.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management officer Dr. Elmier Apolinario, ang resulta ay base sa initial findings ng random drug testing sa mga empleyado ng lungsod.
Inihayag ni Apolinario, napag-alaman niyang mayroon sa nasabing bilang ang boluntaryong nagbitiw sa kanilang trabaho.
Hinihinatay nila ang resulta ng confirmatory test na isinasagawa ng Department of Health (DoH) sa Metro Manila.