Friday , November 15 2024

P2-M patong sa ulo ng Davao bombers (4 suspek tukoy na)

DAVAO CITY – Nagpalabas ng P2 milyon reward money ang pamahalaang lungsod ng Davao para sa mga taong makapagtuturo sa mga suspek na nagtanim ng improvised explosive device (IED) sa Roxas Night Market sa Roxas Avenue, Davao City.

Mismong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang nagpahayag na kumuha siya sa pondo ng pamahalaang lungsod .

Aniya, isang milyong piso ang para sa makapagsasabi at makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek at isang milyon para sa makapagdadala sa suspek.

Layunin ng pagbibigay ng pabuya na mas mapabilis ang paglutas sa pagpapasabog ng bomba na ikinamatay ng 14 katao habang mahigit 70 ang sugatan.

Una nang iniulat na apat na “persons of interest” ang target ng Special Investigation Task Group na posibleng may kaugnayan sa pagsabong ng IED.

4 SUSPEK TUKOY NA

TUKOY na ng PNP ang pagkakilanlan ng apat na “persons of interest” na sinasabing  nasa likod ng pagsabog sa Davao City.

Ayon kay PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, kanila nang natukoy ang physical identities ng mga suspek at kanila nang sinusundan ang legal na aspeto gaya ng kanilang mga pangalan at ang posibleng ugnayan nila sa teroristang grupo.

Dagdag ni Dela Rosa, mayroon nang malaking “breakthrough” sa kanilang imbestigasyon kaugnay sa madugong pagsabog sa Davao nitong nakaraang Biyernes.

Ngunit tumanggi munang idetalye ng PNP chief dahil baka makasagabal sa kanilang ongoing investigation.

Sinabi ni Dela Rosa, mayroon na silang cartographic sketch hinggil sa apat na indibidwal na nakita sa lugar bago nangyari ang pagsabog.

Nakatakdang ilabas ng PNP ang nasabing cartographic sketch ng dalawang babae at dalawang lalaki.

Sa ngayon, gumagalaw na ang mga awtoridad para matunton ang apat na indibidwal.

SABWATAN NG DRUG LORD AT ASG POSIBLE — BATO

HINDI pa rin isinasantabi ng Philippine National Police (PNP) ang anggulo na posibleng nagsabwatan ang mga drug lord at Abu Sayyaf Group (ASG) sa pagpapasabog sa Davao City nitong Biyernes.

Ayon kay PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, kung ang Abu Sayyaf ay kayang mang-hostage para makakuha ng pera ay kaya rin nilang magsagawa nang pagpapasabog para magkaroon ng pera.

Naniniwala si Dela Rosa, posibleng may nabuong koneksiyon sa pagitan ng mga Abu Sayyaf at mga drug lord na nasa loob at labas ng New Bilibid Prison (NBP).

Ayon sa heneral, gumagawa ng paraan ang mga drug lord para makaganti dahil sobra na silang naapektohan lalo na ang kanilang illegal drug trade.

Kasama sa iniimbestigahan ngayon ng PNP ang anggulo ng narco-terrorism.

“Itong Abu Sayyaf pera-pera lang ‘yan, nangingidnap nga sila para sa pera e. Kung ako ay mayamang drug lord, sabihin ko sa kanila magbomba na lang kayo,” wika ni Dela Rosa.

PNP NAG-RELAX  KAYA NALUSUTAN NG TERORISTA

AMINADO si PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, medyo nag-relax ang pulisya kaya nalusutan sila ng pagpapasabog sa Davao City.

Ito ang inihayag ng PNP chief nang magtungo sa Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga kahapon.

Inamin ni Dela Rosa, kung naging alerto lamang ang PNP ay hindi magaganap ang Davao bombing na ikinamatay ng 14 katao at ikinasugat ng mahigit 80 indibidwal.

Ngunit dahil sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng “state of lawless violence” sa buong bansa ay makatitiyak aniya ang publiko sa presensiya ng mga pulis at militar na magpapatupad nang mahigpit na pagbabantay.

Tiniyak ng heneral, bagama’t nakapuntos ang mga terorista sa Davao blast, sa dulo ay pamahalaan ang magwawagi.

Ang pagbisita ni Dela Rosa sa Camp Olivas kasabay ng pagdiriwang ng ika-115 anibersaryo ng PNP Police Service ay sinundan ng ground-breaking ceremony para sa rehabilitation center ng Region 3 na itatayo sa loob mismo ng Camp Olivas, Pampanga.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *