Sunday , December 22 2024

Filipino gampanan ang inyong bahagi

NAKALULUNGKOT ang nangyaring pagsabog nitong nakaraang Biyernes sa Davao City. Sa pag-atake ng lokal na teroristang Abu Sayaff Group (ASG) –  umabot na sa 17 inosente ang napatay habang 54 pa ang nasa ospital sa lungsod at inoobserbahan.

Mabuti na lamang at mayroon tayong masasabing matinong pamahalaan (Duterte administration) na may puso na agarang inasikaso ang mga biktima at kanilang pamilya.

Sagot na ng lokal na pamahalaang lungsod ng Davao ang lahat nang gastusin – para sa mga sugatan na nakaratay sa ospital, at para na rin sa burol hanggang sa pagpapalibing sa mga napatay.

Nakikiramay po tayo sa mga naulila ng 17 inosenteng pinatay ng ASG.

Ano pa man, panawagan ng ating Pangulong Duterte na maging kalmado pa rin tayo pero mag-ingat nang doble sa posible pang patraydor na paghihiganti ng ASG.

Batid naman natin na pinupulbos na ng military, base sa kautusan ni Pangulong Digong ang ASG.

Total-out- war ang ipinatutupad ngayon at parang mga dagang nabulabog ang mga terorista.

Dahil ramdam ng ASG na lumiliit ang kanilang lungga sa kabundukan, ibinaba nila sa lungsod ang giyera – mga sibilyan o inosente ang kanilang tinarget.

Marahil, dama nila ang lakas ng militar na pupulbos sa kanilang grupo. Dama rin nila na kapag harapan ang labanan ay unti-unti silang nalalagas.

E heto naman mga gunggong sa social media – sa Facebook, kung ano-ano ang negatibong komento sa nangyaring pagsalakay. Tinitira nila ang kasalukuyang administrasyon sa nangyari.

Hoy mga hunghang, kung inaakala ninyong nakatutulong ang masamang komento ninyo sa nangyari, nagkakamali kayo mga ‘tado. Tanong nga sa inyo: May nagawa na ba kayo para sa bansa?

Alam ninyo, imbes pumukol kayo ng kung ano-anong negatibong komento sa FB, mas maganda kung magkaisa tayong lahat. Suportahan natin ang pamahalaan. Maging vigilant laban sa mga bandido.

Marahil iniisip ninyong malayo kayo sa Mindanao, kaya tila wala lang sa inyo ang nangyari sa Davao. Puwes, mali po kayo sa pag-aakala. Malayo man kayo o tayo sa Mindanao partikular sa kuta ng ASG, heto ang masasabi namin, mahaba rin ang kamay ng mga rebelde. Anytime na nakapaghahasik ng kademonyohan ang mga rebelde.

So, sa madaling salita, gawin natin  ang nararapat, kumilos at gawin ang ating  bahagi para sa bayan. Ang lahat ay dapat nang kumilos at sa halip, tigilan na ang masasamang komento. Hindi napapanahon na batikusin ang pamahalaan kundi panahon na para tulungan ang ating Pangulo. Kita naman ninyo, hindi sumusuko ang ating lider. Hindi nagpapakita ng takot sa mga traydor na ASG, kundi tuloy ang laban at lalo pa itong pinaigting.

‘Ika nga ni PNP chief, Director General Roland “Bato” Dela Rosa, maging alerto ang lahat – PNP at sibilyan.

Sa mga sibilyan, ipaalam agad sa PNP kapag may napunang mga taong kahina-hinala ang ikinikilos saan man lugar lalo na kapag may iniiwang bagay saan man sulok pero ‘wag lang magpanik.

Sa panahon ngayon, mahalaga ang pagkakaisa dahil ang laban ng pamahalaan sa ASG ay hindi naman para kay Pangulong Duterte kundi para sa bansa o mamamayan.

Oo nga’t nandiyan ang PNP, at ang AFP at iba’t iba pang ahensiya ng pamahalaan na nakikipaglaban para sa kapayapaan ng bansa pero hindi ba mas maigi kung huwag din natin iaasa ang lahat sa kanila?

Tumulong tayo kaysa batikusin ang pamahalaan laban sa ASG. Gampanan natin ang ating bahagi bilang mga Filipino para sa susunod na henerasyon.

Samantalahin natin na may Pangulo tayong desididong wasakin ang lahat ng masasamang elemento sa bansa. Nakita naman natin ang resulta ng laban sa droga ni Pangulong Digong – napakaganda ng resulta bagamat tuloy pa rin ang laban kontra droga.

Muli, gawin natin ang ating bahagi bilang Filipino.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *