Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC Santos, leading man material

THE magic in their stars. Advanced screening sa seryeng sinimulan nang ipalabas sa linggong ito, ang Till I Met You! Ang pagbabalik ng  OTWOListang tambalan ng JaDine. James Reid at Nadine Lustre!

At dito na ‘ata ako pinakakinilig! Sa unang pasada ng panonood sa masasaksihan sa unang mga gabi nito. ‘Yung tipong hindi mo bibitiwan.

Iba na ang timpla ng JaDine sa roles nila bilang sina Basti at Iris. Ang ganda ng pagbubukas ng istorya mula sa nanay ni Iris na si CarminaVillarroel sa pagkasawa nito sa ilang pag-ibig.

Pero ang sinisiguro naming magpapakabog ng dibdib niyo sa gabi-gabing panonood eh ang magiging third wheel kina Basti at Iris-ang pareho nilang friend na si Ali o Alejandro portrayed by an actor from the theatre na si JC Santos.

Ang perfect niya for the role. A breath of fresh air. Not the usual pang-love triangle na may pagkakontra sa mga bida ang dating.

At tumitili ako ng walang patumangga ha! Namaga ‘ata ang braso ng katabi kong si Ador Saluta sa kapapalo ko sa kanya sa  advanced screening nito.

Actually mahahanapan ko siya ng mga kamukha na parang blast from.the past eh. Ralion Alonzo. Ace Cruz. Na puma-Paolo Avelino. Paghalu-haluin mo ‘yun. Pero ang kalalabasan eh, ang kakaibang charm ng isang JC. Next leading man material. Next heartthrob.

May nagsabi na lumabas na sa mga sezy indie films si JC. Eh, ‘di all the more na maganda.

Ang maganda sa palabas eh, ang matapang na pagtatangka nitong ihayag ang isang maselang tema tungkol sa kung sino.at ano ang isang tao.

Hindi pilit. Hindi ipinu-push.

Eh, gamitin mo pa ang makasaysayang scenic spots ng Greece sa pagtatagpo ng tatlong nilalang. Ayos na ayos. At naaaliw ako kapag panalo ang cinematography ng isang palabas.

Sabi nga ni Manay Ethel Ramos, dapat ginawa na rin itong isang pelikula. Sabi ko Manay, mas aliw nga na isa itong serye dahil sinasabik nila ang mga tao sa bawat eksena.

Antonette Jadaone at Andoy Ranay ang nag-team-up sa direksiyon nito with some help from Dan Villegas. Maski ang mga direktor ay may magic in their hands.

Ang importante sa lahat, captured nila ang sentiment ng mga manonood sa palabas. Mula sa mga ina at ama. Sa pakikitungo sa kanilang mga anak. Sa mga magbe-besties at sa pagharap nila sa kanilang mga damdamin. Para sagutin ang tanong kung nagsisinungaling ba ang puso? Sa magkakaibigan. Among Carmina, Angel Aquino and Pokwang.

Ibang pagtingin na naman ito sa pag-ibig. Sa iba red strings ang panuntunan nila. Sa Japan ’yun. Pero sa atin, tama ‘yung kabog ng dibdib.

Tugudug-tugudug-tugudugdugdugdug!

Hindi mapapatid. Hindi maluluma. Nandyan na kasi sa puso mo.

Matagal-tagal at mahaba-haba pang journey nina Ali, Iris, at Basti.

Trending na worldwide. Mainit ang pagtanggap. Nagkakagulo sa social media sa ‘di matingkalang magagandang reaksiyon at pagbati.

Eh, paano na naman ang katapat niyan. Tataob na naman. Ngangey! Sensiya na!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …