Samantala, baka sa paglabas ng kolum na ito’y tumalima na rin ang GMA sa pagsasagawa ng drug testing para sa kanilang mga kontratadong artista.
Nauna nang sumailalim ang may 40 artista ng ABS-CBN (hindi nga lang lahat dahil ‘yung iba’y nagkataong may trabaho noong araw ng pagsusuri) partikular na ang Star Magic na pinamumunuan ni Mr. Johnny Manahan.
Huwag na natin pang aasahang susunod ang TV5 o Kapatid Network. Obvious ba na wala nang gaanong artista roon?
Meanwhile, tila ibinabato ng sisi ng ilang taga-PDEA sa mga TV network ang pagkakasangkot ng kanilang mga artista sa usapin ng droga. Erratic daw kasi ang iskedyul ng trabaho ng mga ito, na pa-morningan ang mga taping.
At upang tumagal umano ang isang nagpupuyat na artista ay hindi nga naman maiiwasang maghanap ng panggagalingan ng kanilang enerhiya, at ‘yun ang drugs to keep them on their toes.
Mawalang galang na sa mga magigiting nating tagapagpatupad ng batas, pero hindi kami sang-ayon sa kanilang katwiran.
Ang trabaho ng isang artistang nagpupuyat o may erratic work schedule ay hindi nalalayo sa mga hospital staff, call center agent at iba pang propesyon na hindi from 8 to 5 ang pasok araw-araw.
Kung ito ang premise, eh, ‘di sana’y marami ring adik sa mga medical institution at BPO, ‘di ba?
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III