Friday , August 15 2025

Etits ng pole vaulter sumabit sa bar

SI Hiroki Ogita, ang 28-year-old pole vaulter mula sa Japan, ay maganda ang naging laro sa 2016 Rio games.

Upang makapasok sa qualifying round para sa finals, tinangka niyang maiangat ang sarili para sa gold medal sa vault na 5.30 meters (a little over 17 feet).

Sa kabila nang maganda niyang pagtatangka, naging masyado siyang malapit sa bar.

At habang sinisikap niyang ilayo ang sarili sa bar, nakuhaan ng mga camera sa Olympics ang kanyang ari na mistulang sumabit sa bar.

Makaraan ang isang segundo, nalaglag ang bar kasama ng athlete.

Sa ilang beses na slow motion replays, inianunsiyo ng news agencies sa mundo na masyadong malaki ang pagkalalaki ni Ogita na kayang baklasin ang bar mula sa moorings nito.

Natapos niya ang kompetisyon sa 21st place.

Samantala, ipinaliwanag ng kanyang coach na si David Yeo, una nang nasagi ng braso ni Ogita ang bar. Kahit aniya hindi sumabit ang short ni Ogita sa bar, talagang mahuhulog na ito.

Sa simula, hindi maunawaan ni Ogita kung bakit sinisi ng mga tao sa kanyang ari ang kanyang pagkatalo.

Gayonman, makaraang mapanood ang video footage, nauunawaan na niya kung bakit naging isyu ang insidente.

At bagama’t hindi siya pinalad sa Rio Olympics, sa pagdagsa ng marriage proposals sa kanyang social media accounts, nabatid niyang nagkaroon siya ng maraming tagahanga.

(WEIRD ASIA NEWS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bauertek Filipino inventors wins 3 golds at the Silicon Valley International Invention Festival

“Filipino inventors wins 3 golds at the Silicon Valley International Invention Festival”

 Filipino Inventors shine bright in the recently concluded 4th Silicon Valley International Inventions Festival, held …

SM LittleStars 2025 Grand Finals

Young Talents Shine at #SMLittleStars2025 Grand Finals

THE spotlight beamed brightly at the #SMLittleStars2025 Grand Finals, as the country’s most gifted youngsters …

DOST-CAR hosts back-to-back events in Baguio City to champion resilience and innovation in Luzon

DOST-CAR hosts back-to-back events in Baguio City to champion resilience and innovation in Luzon

Baguio City – The Department of Science and Technology – Cordillera Administrative Region (DOST-CAR) have …

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

SM naglunsad ng relief efforts, naghatid ng tulong sa Bulacan

SM naglunsad ng relief efforts, naghatid ng tulong sa Bulacan

HABANG ang mapaminsalang habagat, kasama ang magkakasunod na bagyong Crising, Dante, at Emong, ay nagdala …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *