Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ana Capri, bilib sa professionalism nina Kathryn at Daniel

MASAYA si Ana Capri na makatrabaho sa unang pagkakataon ang tinitiliang love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Isa si Ana sa mapapanood sa Barcelona: A Love Untold mula Star Cinema na showing na sa September 14.

Ano ang role mo sa movie at ano ang masasabi mo sa KathNiel?

Saad ni Ana, “Ang role ko rito is stepmom ni Daniel at asawa ko si Joey Marquez.

“Sina Kathryn at Daniel, okay sila, natutuwa ako sa kanila. First time ko silang nakatrabaho and I’m really happy to be working with them. Ang cute-cute nila at very sweet sila sa isa’t isa kahit behind the camera. Kaya kinikilig ako sa kanila.

“Iyong dalawa, very humble sila, walang ere at professional talaga. One time I got sick, tapos si Daniel binigyan niya ako ng medicines. Napaka-sweet niyang bata.

“At saka magalang sina Kathrtyn at Daniel at mahal na mahal talaga nila ang kanilang fans.”

Sinabi rin niya kung anong klaseng katrabaho si Joey. “It was fun working with him, finally. Super-bait si Joey kaya love ko ‘yan. He’s a good friend. Magaan siya ka work and he’s maalaga. Parang family ko na rin siya in real life. We’re good friends kasi, matagal na.”

Anong klaseng direktor si Direk Olivia Lamasan? “Very helpful si Direk, she will give you proper instructions and tools to use for your acting. Magaling siya kaya I would love to learn and work with her pa sana ulit.”

Natutuwa ka ba na nakakasama mong madalas ngayon ang mga young stars? “Oo at saka thankful din ako sa Star Cinema dahil di ba yung huli ko sa kanila is with Bea Alonzo? Bale pangalawang stepmom role ko na ito at okay naman, masaya naman ako.”

Kasali rin sa casts ng Barcelona: A Love Untold ay sina Aiko Melendez, Joshua Garcia, Cris Villanueva, Liza Diño, Ricky Davao, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …