ITINAAS na ni AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya ang buong puwersa ng Sandatahang Lakas ng Filipinas sa red alert status.
Kasunod nang pagtaas ng alerto, mahigpit ang bilin ni Visaya sa lahat ng area commanders na makipag ugnayan sa kanilang counterpart, ang PNP.
Bukod sa PNP, nais ng chief of staff na makipag-coordinate din ang area commanders sa regional directors ng DILG para i-convene ang Regional Peace and Order Council para talakayin ang direktiba ng commander-in-chief.
Habang humingi ng pang-unawa ang militar sa publiko kaugnay sa gagawin nilang security adjustment lalo na ang pagsasagawa nila ng checkpoints at ang pagdami ng mga sundalo sa ilang bahagi ng bansa.
Gagawin ng militar ang lahat nang sa gayon maging ligtas ang publiko at walang mga kriminal at terorista na makapaghasik pa ng karahasan.
Panawagan ng militar sa publiko, maging maingat, maging alerto at manatiling kamaldo dahil kontrolado pa ng mga awtoridad ang sitwasyon.