Saturday , November 16 2024

Pagtaas ng kaso ng leptospirosis ikinaalarma

PANAHON na ng tag-ulan kasunod ng mga pagbaha.

Bunsod nito, muling nanganganib ang mga mamamayan na malubog sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga, ayon kay Ruth Marie Atienza, chief operating officer ng MAPECON Philippines, Inc., ang foremost authority ng pest control sa bansa.

Ito aniya ay magiging dahilan nang muling pagtaas ng kaso ng leptospirosis na dulot ng bakteryang tinatawag na leptospira na nakahahawa kapag nababasa.

Ang mga tao ay maaaring magkaroon nito kapag nalubog sa tubig-baha o sa lupa na kontaminado ng ihi ng mga hayop.

Ang bakterya ay maaaring makapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng sugat o hiwa sa balat kapag nabasa ng kontaminadong tubig o kapag nawisikan sa mata o ilong, ayon kay Atienza. batay sa ulat ng World Health Organization.

Samantala, nagbabala si Atienza laban sa lamok na kumakagat sa araw sa gitna ng pangambang muling makaranas ang bansa ng dengue outbreak.

Ang dengue fever ay flu-like infection na dulot ng flavivirus na mula sa pamilya ng Aedes Egypty na nagmula sa Africa.

Ang pinaka-severe na uri ng dengue ay hemorrhagic fever na responsable sa 10 porsiyento ng mga kaso na pumapatay ng 22,000 katao kada taon.

Ang Mapecon, ayon kay Atienza, ay may “three in one mosquitos’ catcher trap” sa pamamagitan ng kombinasyon ng phenomone (odor attractant) at blue light.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *