NANANATILING ligtas sa Zika virus ang mga kababayan natin sa Singapore.
Ito ang iniulat ni Health Sec. Paulyn Jean Rosell-Ubial, kasunod nang naitatalang mga kaso ng naturang sakit sa Singapore sa nakalipas na mga araw.
Giit ni Ubial, tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng embahada roon, bukod sa regular na komunikasyon sa kanilang counterpart sa nasabing bansa.
Pinayuhan ng opisyal ang mga kababayan nating nagbabalik-bansa na maging responsable sa pagtatala nang naging biyahe at kung nagkaroon ng ano mang karamdaman, para matiyak na hindi makapaghahatid ng sakit sa kanyang pamilya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com