Friday , December 27 2024

Mga pasaway na kuliglig, pedicab at tricycle

NAWALA ang mga vendor sa kahabaan ng Recto Avenue sa Divisoria at sa Blumentrit pero ang pumalit naman ay sandamakmak na pasaway na mga pedicab, tricycle at kuliglig na naghambalang at nakabalagbag sa halos lahat ng kanto sa mga nasabing lugar.

Mukhang nagkaroon ng kanya-kanyang terminal at pila na para bang inari at nabili na nila ang kalsada mula sa kanto ng Avenida at Recto hanggang sa Asuncion na dulo na ng Divisoria. Ganoon din ang pangitain sa Blumentrit at Avenida hanggang sa Aurora Boulevard malapit mismo sa Chinese General Hospital.

Dahil nga sa abala at okupado ang mga awtoridad sa pagbabantay sa mga vendor, hindi na yata nito pansin ang mga tricycle na halos sakupin lahat ang kantong nasasakupan ng Divisoria at Blumentrit.

Wala ngang nakalatag na mga vendor at maluwag sa trapiko nguni’t tila inaabuso at sinasamantala naman ng mga pedicab driver na bigla na lamang sumibol sa mga nasabing lugar na parang mga kabute sa dami.

Ano ba ang ginagawa ng MTPB, MPD-TEU at DPS?!

Ito ba ang pinagkakakitaan nila ngayon habang wala pang latag ang mga vendor!?

MPD PS-2 PULIS MALINIS!
ORGANISADO PARA SA MAS MAAYOS
NA SERBISYO PUBLIKO

Maraming police stations at police community precincts, outpost detachment at maging ang ilang opisina ng pulisya sa bansa ang hindi kanais-nais ang kapaligiran.

Karamihan ay may mga nababaklas na pintura, masukal na harapan at entrada ng himpilan ay masangsang at mabahong mga palikuran na hindi masikmura ng publiko.

‘Yan ay hindi mawawala kapag ang mga personalidad sa isang police station ay hindi prayoridad ang kalinisan.

Pero sa Manila Police District sa pamumuno ng bagong Director na si PSSupt. Joel Coronel ay masasabi nating CLEAN and PROPER ang kanyang pamumuno dahil ilang police station ay nagkaroon ng pagbabago.

Isang magandang halimbawa ang MPD Police Station 2 sa Moriones sa ilalim ng pamumuno ni Col. IBAY katuwang ang kanyang mga operatiba sa pangunguna ni Tata Dennis Ramos na punong-abala sa pagpapagawa at pagpapatupad ng kaayusan sa himpilan base na rin sa utos ng kanyang hepe.

Kung noon ay matatakot pumasok ang taong dumudulog sa nasabing presinto, ibang-iba na ngayon dahil sa renovation na ginawa rito.

Mabuhay ang liderato ninyo Kernel Ibay at Tata Dennis Ramos!

***

Aba’y hindi rin papahuli ang paboritong presinto natin na  MPD PS-7 na ang laki nang iginanda at ipinagbago.

Kapag ganyan nga naman kaayos ang isang presinto na makikita ng taongbayan ay magtitiwala nga sila sa ating mga pulis.

Kudos PSSUPT. DANIEL at sa iyong magigilas na operatiba!

PADAPLIS!

Kumusta naman ang ASUNCION PCP na mistulang natabunan na raw sa santambak na kariton sa harap nila?!

Magkano ‘este ano at hindi maalis ‘yan?

Ano na rin kaya ang ang amoy ‘ehek hitsura ng dating masukal na PCP diyan sa SMOKEY MOUNTAIN?!

Naubos na ba ang mga TULAK riyan sa Aroma compound na nasa likuran lamang ng inyong Detachment?

Baka ma-high blood si MPD PS1 Kernel “Snappy” ULSANO sa inyo riyan mga sir?

AYAW ni hepe ng PAKAANG-KAANG na PULIS!

HATAW si TATA BER
– TANGKAD
SA MPD PS-4!!!

Namumunini at hindi na maawat sa pagdami ang mga latag ng ilegal na sugal sa nasasakupan ng MPD-Sampaloc Police Station 4 .

Mala-KABUTE na nagsusulputan ang mga butas ng bookies ng kabayo, STL/JUETENG at mga demonyong makina ng VK lalo sa GULOD.

‘Yan ay dahil sa basbas ng isang alias Tata Ber Tangkad na nagpapakilalang trusted kolektong ni bagman Boyong na nagyayabang na bata raw ni chief!?

Ultimo Dematera ‘ehek delantera na lugar raw sa Gulod, Sampaloc ay mayroong mga video karera at bookies!

Walang-duda kaya talamak pa rin ang ilegal na droga sa Sampaloc dahil kadikit nito ang mga nagkalat na sugalan.

MPD director Kernel Joel Coronel, dapat nang putulin ang sungay ni Tata Ber bago masira ang iyong administrasyon!

YANIG – Bong Ramos

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *