Cebu Pacific Kalibo bigyan ng leksiyon!
Jerry Yap
September 4, 2016
Bulabugin
Dapat daw sumalang sa proper handling on customer’s welfare ang mga taga-Cebu Pacific personnel diyan sa Kalibo airport matapos tayo makatanggap ng sunod-sunod na reklamo tungkol sa pagtrato nila sa kanilang mga pasahero.
Common sight na raw diyan sa Kalibo ang mga pasaherong nagwawala at nagrereklamo tungkol sa mga naiiwan nilang luggages at baggages na nagdudulot nang sobrang abala sa kanila.
Isang pangyayari riyan sa Kalibo International Airport ‘yung nakalimutan nilang isakay ang bagahe ng isang Angelica Trinos, 18 anyos, at first time bumiyahe sakay ng Cebu Pacific last August 28.
Pagkatapos daw maghintay ng pobre nang tatlong oras dahil sa usual na DELAY nang dating ng Cebu Pacific aircrafts ay laking gulat niya dahil pagdating sa NAIA Terminal 3 ay hindi na niya matagpuan ang kanyang luggage.
Naiwan pala ito sa Kalibo International Airport at hindi naisakay sa nasabing flight.
Juice colored!
And since wala naman daw siya magawa kundi maghintay, hindi rin daw niya alam na sa next flight isasabay ang naiwang bagahe at DELAYED pa rin nang limang oras.
Tsk tsk tsk…
Walong oras na abala para lang sa isang backpack? Ni ho ni ha wala man lang daw natanggap na salitang pasensiya na galing sa Cebu Pacific agent sa Terminal 3 at bagkus maangas pa raw na nagsalita ang Cebu Pacific staff at nagda-dabog.
Bakit daw kailangan i-pressure sila ng pasahero. Saan kaya humihiram ng kapal ng mukha ang hinayupak na Cebu Pacific female staff?
Siya kaya ang lumagay sa situwasyon ng pasahero ano kaya ang mararamdaman niya? Aware rin kaya siya na sa malayong bayan pa sa Laguna uuwi ang nasabing pasahero?
At ito namang mga taga-Cebu Pacific diyan sa Kalibo Airport, suki na raw kayo ng mga nag-rereklamong pasahero pagdating sa mga naiiwang bagahe riyan.
Madalas daw kayong maglipat ng mga pasahero dahil sa delayed flights ninyo pero pasahero lang ang inililipat ninyo, ang bagahe ay NAIIWAN.
Calling the attention of Mr. Lance Gokongwei, hindi kaya kinakailangang sumabak sa panibagong training ang mga tao riyan sa Cebu Pacific Kalibo?
Isama n’yo na rin ang Good Manners and Right Conduct.
Baka raw absent ang mga ‘yan noong itinuro sa paaralan nila!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN – Jerry Yap