ARESTADO ng mga awtoridad ang isang 20-anyos choreographer sa Taguig City makaraan akusahang hinalay ang
tinuturuan niya ng pagsasayaw na isang 15-anyos dalagita.
Ngunit giit ng suspek na si Christian Mendez, hindi totoo ang paratang dahil isa siyang bading na walang interes sa mga babae.
Mismong ang ina ng 15-anyos na biktima ang dumulog sa CIDG para madakip si Mendez dahil sa sinasabing pang-aabuso sa biktima na tinuturuan ng suspek ng pagsasayaw.
Ngunit ayon sa CIDG, nagkukunwaring bading si Mendez para mapalapit sa mga babae gaya nang ginawa niya sa 15-anyos biktima.