Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kitkat, ginanahan sa teatro dahil sa Dirty Old Musical

AMINADO ang comedienne/singer na si Kitkat na ibang klaseng kaba ang naranasan niya sa ginanap na family preview ng kanilang musical play na Dirty Old Musical last August 31.

“Grabe! Super di po ako makapaniwala, iba ang ngatog ko sa stage. Last night was my biggest ngatog on stage for our family preview night! I’m so sanay na of having my concert, gig, etc, sa big stage, pero last night at ngayong mga susunod na araw ang biggest ngatog ko. Not just because this is my first ever musical play as theater actor, but just the thought na kasama ko ang mga batikang theater actors at singers sa stage ay super wow at flattering talaga for me!

“Sharing the stage with all these batikan, not matanda ha, is really an honor and blessing!” Nakatawang saad niya.

Dagdag pa niya, “I love you Lord! Salamat po sa talent ko! Eto na, tonight na ang totoong laban! Let’s do this! DOM, Dirty Old Musical… At grabe po bilang first time ko po ito sa teatro, lahat sinasabi markado raw bawat salita at labas ko. Super pasalamat kay God sa talent na mayroon ako at kaya kong makipagsabayan sa mga batikan.”

May possibility ba na ma-extend ito or dalhin sa ibang lugar? After this, sa tingin mo gusto mo ulit sumabak sa musical play?

“Yes po, possible na ma-extend. Ibinebenta po siya sa ibang bansa. Tapos nagtatanong na po sila ng re-run. Iyong sked lang po namin lahat inaayos, kasi lahat nagti-TV at busy.

“Yes definitely po! Gusto ko ulit lumabas sa musical play, kahit walang pera sa teatro. Grabe po at nakakataba ng puso ang pagtanggap ng mga audience.”

Ang Dirtly Old Musical ay mapapanood sa Music Museum sa September 1, 2, 3 at 8, 9, 10. Kasama ni Kitkat dito ang mga batikang aktor sa teatro tulad nina John Arcilla, Nonie Buencamino, Ricky Davao, Robert Seña, Michael Williams, Ima Castro, at iba pa. Ito’y mula sa Spotlight Artist Centre nina Isay Alvarez at Robert Seña.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …