Saturday , November 16 2024

Kampanya ng BOC vs smuggling droga puspusan na

SA loob ng dalawang linggo, mahigit 30 container vans na pinaghihinalaang may laman na smuggled goods, dalawang kilo ng cocaine, dalawang libong piraso ng ecstasy tablets, at ilang gramo ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs Enforcement Group.

Kahapon, nasabat sa Diosdado Macapagal International Airport sa Angeles City ang isang American national mula Sao Paolo, Brazil bitbit ang dalawang kilo ng cocaine.

Ayon kay BOC enforcement Group Officer-in-charge Arnel Alcaraz nakatago sa compartment ng maleta ni Allan Soohoo ang cocaine.

Sinasabing ang cocaine ay “preferred substance” ng mayayamang drug dependents kaya mas mahal ito kompara sa shabu.

Nitong Biyernes, 30 container vans ang alertado sa utos ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon matapos matunugan ng mga tauhan ng BOC Enforcement Group  na posibleng laman nito ay mga kontrabando o misdeclared at undervalued items.

“The Duterte administration is in need of money and we are one of the revenue generating agencies of the government, therefore every peso counts in our tax collection efforts,” ani Alcaraz.

Noong nagdaang Lunes, nasabat ng Enforcement Group ang mahigit dalawang libong ecstasy pills mula sa Germany.

Ang nasabing kontrabando ay may street value na P4 milyon na ipinasok sa bansa sa pamamagitan ng isang parcel package.

“The BOC is the frontliner when it comes to the anti-drug campaign of the President in our borders, trabaho rin namin harangin pagpasok pa lang o paglabas ng droga sa bansa,” dagdag ni Alcaraz.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *