Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

(Bagong) QCPD DAID nakadale rin!

 

NAKADALE rin sa wakas, ang alin?

Ang (bagong) bumubuo ng Quezon City Police District-District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID) ng droga at siyempre may kasamang tulak.

Patay ba ang tulak, nanlaban din ba? Hindi naman at sa halip ay buhay na buhay ang masasabing kauna-unahang huli ng (bagong) DAID na pinamumunuan ni Supt. Godofredo Tul-O.

Congrats DAID, sana ay magtuloy-tuloy na ang trabaho ninyo at higit sa lahat ay wala nang ‘maipanganak’ na bagong ninja cops sa bagong pamunuan ng DAID.

Alalahanin ninyo, galit si QCPD director Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa ninja cops o scalawags. Alam naman ninyo siguro kung bakit kamakailan ay sinibak ni Eleazar ang buong puwersa ng DAID. Bagamat hindi naman lahat ay ninja cop, nadamay na lang ang iba – sa kalokohan ng tiwaling ninja cops.

Kaya ang mabuti riyan, kapag mayroon kayong kasamahan na feeling ninyo’y humihiwalay na sa langkay, aba’y tapikin na ninyo bago maging huli ang lahat.

‘Di ba sir Tul-O?

Supt. Tul-O, malaki po ang tiwala sa inyo ni DD kaya kayo ang kanyang itinalaga sa DAID para mamuno.

So alam na ninyo siguro Sir ang dapat gawin, bantay-bantay po kayo. Hindi lang mga adik at pusher sa Kyusi ang inyong bantayan kundi maging ang inyong mga tauhan sa DAID.

Teka mukhang nakalimutan na yata natin ang hinggil sa kauna-unahang nadale ng DAID.

Masasabing hindi rin pipitsugin ang nadale ng tropa ni Tul-O kundi maikokonsiderang bigtime drug pusher o puwede rin bangsagang “reyna ng shabu.”

Reyna? Ibig sabihin ay isang babae ang nadale ng DAID kamakalawa ng madaling-araw?

Yes po, isang Filipina-Chinese bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation nitong Linggo (Agosto 26, 2016) ng madaling araw sa Barangay Claro, Quezon City.

Tulad ng naunang nabanggit, hindi lang basta drug pusher si Jennifer Hong, 30, residente sa Block 8, Lot 9, Villa Lourdes Town House, Congressional Avenue, QC. dahil ayon kay Eleazar, hindi lang sa Kyusi gumagalaw ang babae sa pagbabagsak ng droga kundi sa buong Metro Manila.

Bukod dito, siya rin ay kasintahan ng isang convicted drug dealer na nakakulong ngayon sa Quezon City Jail Annex sa Bicutan.

Sabi nga ni Eleazar, patuloy na inaalam ng DAID kung ang drogang ibinabagsak ni Hong ay nagmumula sa kanyang lover na hinalang may koneksiyon pa rin sa grupo ng Chinese drug syndicate na responsable rin sa pagkakalat ng droga sa Metro Manila.

Anyway, nang maaresto ng mga tauhan ni Tul-O ang babaeng tulak, nakompiskahan siya ng kalahating kilong shabu na nagkahahalaga ng P1.2 milyon ang street value.

Ano kaya gustong palabasin ng sindikato ng droga? Ibig kong sabihin, nakita naman nila na seryoso ang gobyernong Duterte sa kampanya laban sa droga pero, bakit kaya patuloy pa rin sila sa pagkakalat ng droga? Patibayan at pahabaan ba ng pisi ba ang labanan?

Ano pa man, binabati natin ang DAID ni Tul-O sa masasabing malaking trabaho. Kaya, masasabing hindi nagkamali si Eleazar sa pagtatalaga kay Tul-O sa DAID.

Supt. Tul-O sampu ng inyong mga tauhan sa DAID, sa nakompiska ninyong P1.2 M halaga ng shabu, maraming buhay kayong nailigtas sa tiyak na kapamahakan.

At siyempre, Sr. Supt. Eleazar, nagpapasalamat sa inyo ang bayan sa patuloy at sinsero ninyong pagpapatupad sa giyera laban sa droga batay na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte.

Saludo kami sa inyo sir.
AKSYON AGAD – Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …