Friday , November 22 2024

Shabu addicts may pag-asa pang magbago

KLASIPIKADONG salot sa lipunan ang shabu users/addicts para kay pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Ang termino nga niya ay walking dead o zombie ang mga gumagamit ng shabu sa loob ng isang taon o higit pa.

Para kay Pangulong Digong, lumiit na raw ang itlog ‘este utak ng mga adik sa shabu kaya parang sayang lang din kung isasailalim pa sila sa rehabilitasyon.

Nito kasing mga nakaraang panahon halos lahat ng krimen ay drug related kaya hindi natin masisisi si Pangulong Duterte na ganyan ang maging tingin niya sa isang adik.

Ang mga adik kasi noong 70s ay peaceful at pa-trip-trip lang hindi gaya ng demonyong shabu na totortahin talaga ang utak ng user.

Ito rin umano ang dahilan kung bakit nanlalaban sila sa mga pulis kapag nahuhuli sa isang legitimate anti-illegal drug operations.

Batid nang marami na hindi pabor ang mga ‘humanist’ sa situwasyon na napapatay o pinapatay ng mga law enforcer ang shabu addicts.

Sa totoo lang, delima ‘este dilemma ito ngayon ng mga mamamahayag, lalo ng mga photojournalist na nasa graveyard shift.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, gabi-gabi ay mayroong operasyon na inilulunsad ang mga awtoridad. At sa bawat operasyon, mayroong tumutumba.

Hindi pa kasama sa tumbahang ito, ang operasyon naman ng mga vigilantes na sinasabi ni chief PNP, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Kaya sa suma, mahina ang 10 tao na hinihinalang shabu addicts o drug pushers ang ‘maagang pinagbabakasyon’ ng mga tingga ng kamatayan.

Horrible, inhuman, unlawful ang tawag sa mga pangyayaring ito ng mga taong naniniwala na dapat bigyan ng ikalawang pagkakataon ang shabu addicts.

Ang inyong lingkod bilang bahagi ng isang rehabilitation and therapeutic facility ay naniniwala rin na “dapat” bigyan ng pagkakataon ang biktima ng ilegal na droga.

Hindi isa o dalawang buhay lang ang nakita nating nakarekober at naibalik ang kanilang sarili sa mainstream society at sa kanilang pamilya matapos sumailalim sa rehabilitation sa isang therapeutic facility.

Magastos nga lang at maproseso depende sa pagkakalulong sa ilegal na droga ng isang tao pero iisa ang tiyak, puwede silang magbago at makabalik sa mainstream society.

Mas tinitingnan natin na isyu rito, ‘yung kakayahan ng pamahalaan at ng mga ahensiyang dapat na nakatutok sa rehabilitasyon ng shabu addicts na maging makatao, sumusunod sa batas at maka-Diyos ang programa.

Ang kailangan umano sa ganitong klase ng facility ay recovery coach, doctors, nurses, psychologists, toxicologists, spiritual advisers, estruktura at higit sa lahat, lugar kung saan ito itatayo.

Kaya kung kapos sa ganyang pangangilangan ang isang pamahalaan o gobyerno, mas madali ngang solusyon ‘yung ‘tumbahan.’

Mas pabor tayo na unahing patahimikin ang mga drug lord at protector. Kompiskahin ang kinita nila sa droga at iyon mismo ang gamitin sa pagpapatayo ng facility at suweldo sa professionals na kakailanganin sa programa.

Uulitin lang po natin, maraming buhay po tayong nakita na sinagip ng mga rehabilitation and treatment facility baka nga ilan sa mga presidential appointee ay may ganyan ring karanasan.

Ang importante, hindi dapat tumigil ang pagtugis sa bigtime drug lords and protectors habang binibigyan ng pagkakataon ang mga shabu addicts na gustong magbago.

Win-win solution na po ‘yan, Mr. President.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *