Friday , November 22 2024

Plakang 8 kompiskahin at itigil na!

Pabor tayo sa desisyon ni House speaker Pantaleon Alvarez na tuluyang itigil ng mga mambubutas ‘este mambabatas ang paggamit ng plakang 8.

Ano ba ang naitutulong ng plakang 8 sa pag-unald ng isang lipunan?!

Tahasan naming sinasabi, walang naitulong ‘yang plakang 8, sa halip ay nagamit pa sa kayabangan at pang-aabuso.

Baka nga nagamit pa ‘yan sa pagpapakalat ng droga.

Sino lang ba ang nakikinabang diyan?! Mayayamang Chinese businessmen na ‘patron’ ng

mga politiko. Mga pamilyang maiimpluwensiya, mga anak at pamilya ng politiko.

Hindi ba’t kamakailan ay may nahuli pang naka-plakang 8 na nasa isang prostitution den?

Kailangan bang maiba ang pangalan ng isang mambabatas kung sila talaga ang kinawatan ‘este kinatawan ng taongbayan?!

Kaya pabor na pabor po tayo riyan, House Speaker Pantaleon Alvarez…

Ibasura na ang plakang 8!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *