MOVING forward!
Ang alam ng Festival Director ng TOFARM Film Festival na idinaos early this year na si direk Maryo J. Delos Reyes, every two years nila bubunuin ang proyektong nagsimula sa paglilibot ng isang businesswoman at pilantropong si Dr. Milagros How sa mga bukid sa ating bansa.
Pero nang maupo na nga raw sila sa isang meeting, ang sinabi agad nito ay paghandaan na ang 2nd TOFARM Film Festival.
Mukhang handang-handa si Dr. How sa magiging bagong tema ng mga mapipiling anim na pelikula na siya namang matutunghayan sa buwan ng Hulyo sa 2017.
Kaya ang submission ng entries ay binuksan na at ang deadline nito ay sa November 18, 2016. Na ipadadala sa HCC Corporate Center sa 10th floor 158 P. Tuazon corner 7th Avenue sa Cubao. Ang tema ay Planting the seeds of Change. O i-email ito sa [email protected]
Naging inspirado at ginanahan si Dr. How sa anim na pelikulang natunghayan ng mga manonood sa 1st TOFARM Film Festival.
Nakita ni Dr. How ang naging pagtanggap ng mga tao sa anim na pelikula sa mga provincial legs nila na ang pinakahuli ay naganap sa Cabanatuan at Pampanga. Isusunod ang Cebu at Davao sa Setyembre at Oktubre.
Napansin din ng members ng press ang pagiging sobrang masaya at magiliw ng butihing producer na si Dr. How at maya’t maya ang bitaw ng mga biro.
Tumataginting na P1.5-M pa rin ang grant na ibibigay sa bawat iskrip na mapipili sa anim na gagawing pelikula.
Nais ng mother ng TOFARM na si Dr. How na patuloy na maisulong ang adhikain ng mga magsasaka at ng mga taong naglalagay ng pagkain sa ating hapag sa pamamagitan ng panibagong mga kuwentong ibabahagi ng 2nd TOFARM sa atin.
“Masaya kasama ang first batch ng production people. Nakita ko naman na nahirapan sila with the budget given to them. Pero tiniis ko rin sila. Ganoon ang game, eh. Kumbaga sa 1,000 words na ilalagay mo sa isang papel at wala ka ng ink, paano mo ‘yun pagkakasyahin.
“Sa tingin niyo maybe dagdagan natin ang winners? Instead of six, more? Ten? We really plan to make it better. Siyempre ayoko i-share sa iba. Wala na natira. Haha! Pero huwag kayo mag-alala, marami ako iniisip na paraan. Droga! Hahaha! Joke lang ‘yan ha!!!
At may pumatol! Bakit nga raw hindi gumawa ng istoryang may iikutang marijuana plantation.
But seriously, ayon kay Dr. How, ”Sinisiguro namin na the 2nd TOFARM Film Festival will be better than the first. Mas malaki. Mas challenging. Gagawa akong sarili kong rules. Para lahat masaya!”
Kaya hindi maitago ang saya ni Dr. How ay dahil touched siya sa naging pagtanggap ng mga manonood sa mga pelikulang napili sa 1st TOFARM.
“I am happy already! ‘Yun bang you know how to succeeded in what you planned to do. Kaya we’ll be seeing more of each other. And thank you for your tremendous support din.”
HARDTALK – Pilar Mateo