Saturday , November 16 2024

Absolute pardon kay Robin Padilla (Posible kay Duterte)

082916_FRONT

KABILANG ang aktor na si Robin Padilla sa listahan ng Board of Pardons and Parole (BPP) na posibleng gawaran ng executive clemency ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inirekomenda ng BPP ang review sa kaso ng 87 inmates na mabibigyan ng executive clemency, kabilang si Padilla, sa pamamagitan ng ‘notice’ na nilagdaan ng kanilang executive director na si Reynaldo Bayang.

Matatandaan, hinatulan ng Angeles City Regional Trial Court si Padilla ng 21-taon pagkabilanggo dahil sa illegal possession ng high-powered firearms noong April 1994.

Tatlong taon ang iginugol ni Padilla sa New Bilibid Prison magmula noong April 1997.

Pagkatapos ay binigyan siya ng conditional pardon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Ngunit ayon sa abogado ni Padilla na si Rudolf Jurado, expired na noong 2003 pa ang conditional pardon na iginawad sa aktor.

Sinabi niyang maaari pang mag-apply sa absolute pardon si Padilla.

Sakaling mabigyan nang executive clemency ang aktor, maibabalik muli sa kanya ang kanyang civil rights kabilang na ang kanyang karapatang bumoto.

Sa katunayan aniya, kanya nang naisumite noong nakaraang linggo ang requirements ng kanyang kliyente sa aplikasyon para sa executive clemency.

Medyo nag-aalangan pa aniya si Padilla na humingi ng absolute pardon mula sa pangulo dahil baka isipin ng mga tao na binibigyan siya ng pabor dahil sa pagsuporta sa Presidente noong panahon ng eleksiyon.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *