INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo at pulis na huwag gagalawin at pabayaan si MNLF chairman Nur Misuari sakaling lumabas sa kanyang pinagtataguan sa Jolo, Sulu.
Magugunitang nagtatago si Misuari kasunod nang nangyaring pag-atake ng kanyang grupo sa Zamboanga City noong Setyembre 2013.
Sinabi ni Pangulong Duterte, maysakit at matanda na si Misuari kaya hindi na tatakbo pa.
Ayon kay Pangulong Duterte, ayaw niyang may mangyaring masama kay Misuari habang nasa kustodiya ng gobyerno.
Naniniwala si Duterte, walang ibang kinikilala o iginagalang sa nasabing lugar kundi si Misuari kaya mahalagang mapanatili ang kanyang maayos na kondisyon habang umuusad ang peace process.
Kung may mangyari aniyang masama kay Misuari habang hawak ng gobyerno, ‘kiss goodbye’ na sa kapayapaan partikular sa Bangsamoro (Murad-MILF) at Bangsatausug (Misuari-MNLF).
“We still have enough land in the entire Republic of the Philippines to make everybody happy. MN, and I have yet to hear from Nur but I said, but I said if Nur, if he comes out of his hiding place in Jolo. My advice to you guys, the army and the police and everybody is that let him be, let him be. Si Nur, uhh, I would not say sick, I hope he is well, but matanda na ‘yan, hindi na ‘yan tatakbo. And the last thing that I would want is really is, God forbid, huwag sana, na kung may mangyari sa kanya nasa custody natin. So there’s nobody of significance in that area who has the pre-eminence like Nur Misuari,” ani Pangulong Duterte.
HATAW News Team