KAYA pala hindi na kailangan pang magbanat ng buto ang isang sikat na aktres dahil nakasandal lang naman siya sa pader.
Isang TV executive lang naman ang nag-aalaga sa kanya. But discreet as they may be para hindi mabukelya ang kanilang relasyon, nagtataka lang kami na kung bakit of all places sa labas ng bansa ay nag-”honeymoon” ang dalawa sa paboritong pasyalan sa Asya ng ating mga kababayan.
Siyempre, dahil sa lapit niyon sa ‘Pinas ay imposibleng hindi sila makilala ng mga Pinoy na nagtatrabaho rin doon. Curious, ang mga nag-uumpukang Pinoy kunwari sa park doon ay magtatanungan, “Teka, bakit hindi boylet ang kasama ni (pangalan ng aktres) kundi tomboy? Ows, tunggril na ngayon ang hanap ng aktres pagkatapos ng breakup nila ng isang sikat na aktor?”
Itago na lang natin ang aktres na dyowa ng isang pards na TV executive sa alyas na Antoinette Matiisin.
( Ronnie Carrasco III )