CAUAYAN CITY, Isabela – Pormal nang inirekomenda ng Panlalawigang Tanggapan ng Department of Agriculture (DA) kay Governor Faustino “Bojie” Dy III, isailalim sa state of calamity ang Isabela dahil umabot na sa P1 bilyon ang pinsala sa mga pananim na mais at palay dahil sa naranasang dry spell.
Sa datos na ipinalabas ng tanggapan ni Provincial Agriculturist Danilo Tumamao, sinabi niyang biniberepika ng Disaster Action Team (DAT) ng lalawigan ang produktong mais na nagtala nang napakalaking pinsala.
Umaabot sa P966 milyon ang kabuuang halaga ng pinsala sa pananim na mais mula sa 23 bayan at siyudad sa Isabela.
Sa vegetatative stage, ang partially damaged ay 4,900 hectares at totally damaged ay 510 hectares na may kabuuang 5,500 hectares.
Habang sa reproductive stage ay 42,400 hectares ang partially damaged, 6,142 hectares ang totally damaged na may kabuuang 48,580 hectares.